Gloc 9 and Sheng Belmonte singing Walang Natira at Party Pilipinas
for their launch of Talumpati album
on February 20, 2011.
Walang Natira Lyrics
Chorus:Napakaraming guro dito sa amin ngunit Bakit tila walang natira Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Nagaabroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nagaabroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nagaabroad sila ahh Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas Nauubusan ng batas parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahingay iipunin para magamit pag-uwi Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri MaBahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos di nakilala ang ama O ina na wala sa tuwing kaarawan nila Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na. Chorus: Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Nagaabroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nagaabroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nagaabroad sila ahhh Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano O barko kahit saan man papunta Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na ito'y magiiba Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na Chorus: Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Nag-a-abroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nagaabroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nag-a-abroad sila ahhh Subukan mong isipin kung gaano kabigat Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko Chorus: Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira aahhh Nag-a-abroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Nag-a-abroad sila aahh Gusto kong (yumaman 5x) Napakaraming tama dito sa atin Ngunit bakit tila walang natira aahhh...